Nagpahayag ng pakikiisa si Senador Risa Hontiveros sa pagdiriwang ng ika-75 taon ng deklarasyon ng International Human Rights Day nitong Linggo, Disyembre 10.

Sa kaniyang Facebook post, binati ni Hontiveros ang bawat isa sa paggunita ng International Human Rights Day.

“Sa iba’t ibang dako ng mundo, nakikita natin na maraming paglabag at pagkitil sa mga karapatang pantao,” pahayag ni Hontiveros.

“The worst part of it is: we don’t even have to look far. Our country has witnessed tens of thousands of human rights violations in the past 7 years alone,” dagdag pa niya.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Kaugnay nito, binigyang-diin ng senador na dapat umanong magtulungan ang bawat isa at ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

“Sa mga ganitong panahon, mas kailangan nating maging liwanag para sa isa’t isa,” ani Hontiveros.

“Ipaglaban natin ang ating mga karapatan. At a time when human rights are increasingly under threat globally, we must not yield even a millimeter to oppressors. Instead, we must continue to stand together, push back and fight back,” saad pa niya.

Disyembre 10, 1948 nang iproklama umano ng United Nations General Assembly ang International Human Rights Day upang protektahan ang karapatang pantao ng bawat isa sa buong mundo.