Isang magnitude 5.1 na lindol ang nagpayanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga, Disyembre 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:58 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 77 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naiulat ang Intensity III sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

Nasa Instrumental Instensity II rin umano ang City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.