Mula telebisyon ay ililipat na umano ni TV host Willie Revillame sa digital platform ang kaniyang programang “Wowowin”.

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, Disyembre 8, pinag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ang tungkol dito.

“Ito hindi siya noontime pero gusto niya pa ring magpasaya. Si Willie Revillame. Magbabalik siya. Ang ‘Wowowin. Pero online. Sa kaniyang FB at YouTube page. Simula December 18. Lunes hanggang Biyernes. 5 PM to 6:30 PM,” saad ni Mama Loi.

Sey naman ni Ogie: “Siguro naman ‘no dapat umpisahan na talaga ni Willie at maging consistent siya. Kasi ang digital audience ay inaagaw ng audience ng TV. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Kaya siguro si Willie nakaisip ng ganyan, di na lahat halos nakakanood ng reel-time sa TV. ‘Yan, okay ‘yang ganyan,” dagdag pa ng showbiz columnist.

Matatandaang kamakailan lang ay naiulat na hindi na umano matutuloy pa ang pag-ere ng programa ni Willie sa dalawang government channels.

MAKI-BALITA: Show ni Willie Revillame sa government channels, ‘di na talaga tuloy?

Nasundan pa ito ng bali-balita na ang kababagsakan na lang umano ni Willie ay maging host sa bolahan ng lotto.

MAKI-BALITA: Willie Revillame, magho-host na lang ng bolahan sa lotto?

Samantala, naitanong naman ni Dyosa ang panunumbat na ginawa ni Willie kay Ogie noong Pebrero.

MAKI-BALITA: Willie, nagsiklab; may kontra-banat sa ilang showbiz personalities na may ‘utang na loob’ sa kaniya

“Alam mo, Tito Ogie, mabait ka pa rin sa kabila ng mga isinumbat sa ‘yo, mga sinabi, nagpo-promote ka pa rin ng mga show ni Willie,” ani Diyosa.

Sagot naman ni Ogie: “E, una ‘yan ang balita. Pangalawa, tapos na ‘yun, e. Saka, ano didibdibin ko ba ‘yun?”

Matatandaang pinalagan ni Ogie si Willie matapos nitong banatan ang ilang showbiz personalities na may utang na loob umano sa TV host.

MAKI-BALITA: ‘Sinumbatan sa ₱50k?’ Ogie Diaz, pumalag kay Willie Revillame