Flinex ng aktres na si Sarah Lahbati ang kaniyang bagong proyekto na gagawin sa TV5.

Sa Instagram post ni Sarah nitong Sabado, Disyembre 9, ipinasilip niya ang kaniyang bagong hairstyle at script ng nasabing proyekto.

“Grateful,” saad ni Sarah sa caption ng kaniyang post.

Ang nasabing proyekto ni Sarah ay remake ng pelikulang “Lumuhod Ka Sa Lupa” na pinagbidahan ni Rudy Fernandez noong ‘80s.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang post ng aktres. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Congrats sarj”

“YAAAAS!! 😍”

“More project, more waldas. Inisin ni lalo ang bruha mong ML”

“Go girly!!! 😍😍”

“Pinagbibintangan nagwawaldas eh! asawa naman si Sarah sino ba dapat magwaldas ng pera ng anak niya ibang tao😂. Sarah talented kamas sisikat pa ngayon kesa sa anak niya😂. Goodluck Sarah.”

“Mas maganda tlga may sariling trabaho at pera ang isang babae para pagdating ng araw dka sisihin ng asawa bkt san napunta ang pera na binibigay nya😢pero dapat inanakan at inasawa ka nya natural lng nmn na magwaldas ka hahaha 😮😍”

“The unbothered daughter in law”

“You are blessed @sarahlahbati 🙏”

Samantala, ayon sa biyenang si Annabelle Rama, panay waldas umano ng pera si Sarah habang ang asawa nitong si Richard Gutierrez ay puro trabaho.

MAKI-BALITA: Annabelle sa umano’y gusot nila ni Sarah: ‘Wala kong time na makipag-usap sa kanila’

Matatandaan na hanggang ngayon ay umuugong pa rin ang balita na hiwalay na umano sina Sarah at Richard.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Bagama’t hindi pa ito kinukumpirma o itinatanggi ng magkabilang panig, sinabi naman ni Anabelle na ayaw umano niyang magkahiwalay ang mag-asawa.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, ayaw maghiwalay sina Richard at Sarah: ‘Mahal ko ang mga apo ko’