Tila lumalawak pa nang lumalawak ang mga umano'y kuwento matapos ang paghihiwalay nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Matatandaang tuluyan nang binasag nina Kapamilya stars Kathryn at Daniel ang umugong na balita tungkol sa kanilang hiwalayan matapos nila itong kumpirmahin sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account. 

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” nitong Biyernes, Disyembre 8, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang pinagpipiyestahan daw ngayon ang kuwento tungkol kay Karla Estrada at sa pamilya ni Kathryn.

“May lumutang na kuwento na diumano may utang itong si Karla Estrada sa pamilya ni Kathryn Bernado,” ani Cristy.

Tila hindi naman makapaniwala ang co-host niyang si Wendell Alvarez sa isiniwalat niyang ito tungkol kay Karla.

“Diyos ko, bakit naman uutangan niya ang pamilya ni Kathryn…’di pa naman magkasama sa isang bahay,” saad ni Wendell.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Lumaki nang lumaki ang mga kuwento. Hanggang sa kumakalat na rin ngayon na diumano may mga inuutangang kaibigan si Karla Estrada. 2 milyon, 3 milyon. Kaya sabi ng iba, ‘ay, kaya siguro nangungutang ‘to sa iba parab pambayad sa pamilya ni Kathryn’.”

Kataka-taka rin umano na sa kabila raw ng malaking kinikita ni Daniel sa showbiz industry ay nagagawa pa ring umutang ni Karla.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Karla hinggil dito.