Sumadsad sa Puerto Princesa airport ang light cargo aircraft ng Philippine Air Force (PAF) nitong Sabado ng umaga.
Ito ang kinumpirma ni Tactical Operations Wing West commander, Brig. Gen. Erick Escarcha at sinabing isa lang itong "minor incident" na nangyari dakong 9:30 ng umaga.
"It's a minor incident â the aircraft skidded towards the grassy portion. The pilots also quickly conducted precautionary measures. They shut down the aircraft and no properties were damaged. It's like the airplane just went out onto the sidewalk of the road," anang opisyal.
Sakay aniya ng eroplano ang dalawang piloto at tatlong crew members nang maganap ang insidente.
Hindi nasaktan ang mga pasahero ang limang sakay ng eroplano, ayon pa kay Escarcha.
Ginagamit ang naturang NC21i light lift aircraft sa air operations, katulad ng paghahatid ng mga sundalo at kargamento, search and rescue, medical evacuation at maritime patrols.
PNA