Ilang beses umanong iniyakan ni Kapamilya star Daniel Padilla ang ex-jowa niyang si Kathryn Bernardo bago raw tuluyang naghiwalay, sey ni Cristy Fermin. 

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” kamakailan, itsinika ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nalaman niya mula sa kaniyang source.

“Mayroon akong source na nagkuwento sa akin kung paano at bakit nagsabi na si Kathryn sa kaniyang mga magulang tungkol sa kanila ni Daniel. August pa lang ‘yung timeline tama tayo, e. Agosto pa lang nakita natin ‘yung pagbabagong-anyo niya [Kathryn], e. ‘Yung naka-two piece na siya,” kuwento ni Cristy.

“September si Daniel pabalik-pabalik daw na umiiyak. Bumabalik kay Kathryn. Pero matigas na ang puso ni Kathryn Bernardo dahil ang dami-dami nang nakakarating sa kaniyang mga kuwento na ang iba ay dinismiss niya sa kaniyang isip at puso. Pero ‘yung iba pinahalagahan niya,” aniya.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Dagdag pa ng showbiz columnist: “At siyempre ang lalaki, ‘pag sinusuyo uli ang nakahiwalay na kasintahan, lahat na lalabas na ‘yan. Pakikiusap, pagsusumamo, pag-iyak, makuha lang ulit ang emosyon at pagmamahal.”

Pero hindi na raw nag-work pa ang panunuyong ito ni Daniel kay Kathryn dahil noong katapusan ng Nobyembre, inamin nilang break na sila. 

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn