Isang magnitude 4.7 na lindol ang muling nagpayanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng hapon, Disyembre 8, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:52 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 105 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 32 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.