Siyam na miyembro ng terrorist group na Dawlah Islamiyah ang nasawi sa paglusob ng militar sa Maguindanao nitong Huwebes, ayon sa pahayag ng Philippine Army (PA) nitong Biyernes.

“We counted about nine local terrorists killed in the operation,” paliwanag ni Capt. Dexter Ruma, hepe ng civil-military operations ng PA-601st Infantry Brigade.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sugatan din sa operasyon ang 10 miyembro ng grupo matapos silang gamitan ng Israeli-made autonomous truck mounted howitzer system (ATMOS) na isang uri ng kanyon.

Sinabi ni Ruma, aabot sa 100 pamilyang mula sa Dalgan, Pagalungan, Maguindanao del Sur, ang lumikas nang magsimula ang operasyon ng mga sundalo dakong 4:00 ng madaling araw.

Paglilinaw ni Ruma, walang nadamay na sibilyan sa operasyon.