Pinaalalahanan ni Vice President at Department of Education (DepEd) Sara Duterte ang mga estudyante sa La Castellana, Negros Occidental na sikaping makapagtapos ng pag-aaral dahil ito umano ang susi para makahanap sila ng magandang trabaho at mabili ang lahat ng kanilang mga naisin sa buhay.

Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Disyembre 7, ibinahagi ni Duterte na binisita niya ang La Castellana Elementary School nang magtungo umano siya sa bayan ng La Castellana sa Negros Occidental.

“Aking kinausap ang Principal nila at District Supervisor upang kumustahin sila, ang mga mag-aaral at kanilang paaralan upang malaman ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan,” saad ng bise presidente.

Bukod dito, nagtungo rin si Duterte sa ilang mga silid-aralan upang kausapin ang mga estudyante doon.

National

OVP, gumastos umano ng ₱16M sa loob ng 11 araw noong 2022

“Pinaaalahanan ko sila na mag-aral nang mabuti at sikaping makapagtapos ng pag-aaral dahil ito ang susi upang makahanap sila ng magandang trabaho at mabili nila ang kanilang mga gusto at pangangailangan,” saad ng DepEd chief.

Ayon pa kay Duterte, sa bawat pagbisita raw niya sa mga paaralan ay lagi niyang binibigyang-diin ang kahalagaan ng edukasyon dahil ito raw ang “susi upang mabago ang kanilang mga buhay at kinabukasan.”