Tila ang saya-saya ng TVJ at original Dabarkads hosts sa balitang kinansela ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL) ang Trademark Registration ng TAPE, Inc. para sa titulong "Eat Bulaga!" noong Disyembre 4, 2023.

Kinatigan kasi ng IPOPHIL ang petitioners (TVJ) na sila ang nagmamay-ari ng pamagat na ito, ayon na rin sa matibay na testimonya ng isa sa kanila na si Joey De Leon.

Sa opisyal na social media platforms ng TVJ ay makikita na ang pagbanggit nila sa title ng show nilang "Eat Bulaga!"

"Isang libo’t isang tuwa, buong bansa… buong mundo… Eat Bulaga!" mababasa sa caption.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa comment section ay makikita naman ang komento at reaksiyon ng kanilang co-hosts.

"EAT BULAGA❤️," sey ni Ryan Agoncillo.

"14344 for life, dabarkads family 🥹❤️❤️❤️!!!!," pahayag naman ni Miles Ocampo.

"14344 🤍" ani Maja Salvador.

Sey naman ng bagong pasok na si Atasha Muhlach, "14344 ❤️ FAMILY."

"14344, EAT BULAGA ❤️," komento ni Ryzza Mae Dizon.

"Juan for all all for Juan!!!" hirit naman ni Allan K.

Hindi pa malinaw kung kailan puwedeng magamit ng TVJ ang "Eat Bulaga" at kung ano naman ang gagawin ng TAPE sa kanilang show sa GMA Network.

MAKI-BALITA: Trademark registration ng ‘Eat Bulaga!’ sa TAPE, kanselado na