May patutsada ang singer-rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang “Skusta Clee” sa mga nandadawit umano sa kaniya sa “makalat na buhay sa social media”.

Sa Instagram story ni Skusta nitong Martes, Disyembre 5, sinabi niya na huwag na umano siyang i-tag o i-mention sa tinutukoy niyang “drama”.

“‘Wag n’yo na akong i-tag o i-mention sa mga ganyang drama. Wala ng effect sa akin at sayang lang din effort n’yo,” pahayag ni Skusta.

“Matagal ko nang tinalikuran ‘yung makalat na buhay dito sa social media kasi hindi ko naman talaga linya ‘yan. Music at mananatiling music lang ako kasi doon naman talaga ako nakilala ngayon,” aniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dagdag pa niya: “Kung makikita mo ako dito sa social media at mga past issue ko ang una mong maiisip, baka ikaw ang hindi nagbago. At ‘wag kang mag-alala, maraming kakarampot ang utak kagaya mo. Stay dumb.”

Matapos kasing kumpirmahin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang balitang hiwalay na sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account, pabirong nadawit ang pangalan ni Skusta sa isang post ni Xian Gaza.

MAKI-BALITA: Skusta Clee nakaladkad sa hiwalayang KathNiel