Nailigtas ng Philippine Navy (PN) at Philippine Coast Guard (PCG) ang limang indibidwal na patungo na sana sa Malaysia matapos umanong mabiktima ng human trafficking sa Tawi-Tawi kamakailan.

Sa Facebook post ng PN, lulan na ng sasakyang pandagat ang lima nang masabat ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao, Philippine Coast Guard K9 team sa Bongao Pier, Brgy. Poblacion sa Bongao nitong Disyembre 3 ng madaling araw.

Sinabi naman ng Municipal Inter-Agency Council Against Trafficking (MIACAT-Tawi-Tawi), ang mga biktima ay patungo na sana sa Malaysia via backdoor channel nang maharang sila ng mga awtoridad.

Nilinaw ng BOC, walang maipakitang papeles ang limang biktima para sa kanilang biyahe at posibleng pagtatrabaho sa Kota Kinabalu, Malaysia.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sumailalim muna sa counseling ang limang biktima bago sila inihatid ng mga tauhan ng Ministry of Social Welfare and Development Office-Bongao sa kanilang pamilya.