Bumwelta ang social media personality na si Valentine Rosales sa mga kumukuyog kay Kapamilya star Andrea Brillantes.

Sa Facebook post ni Valentine kamakailan, tinanong niya ang mga netizen kung bakit si Andrea na lang umano ang laging sinisisi sa lahat ng naghihiwalay.

“Kasalanan na ba ngayon maging maganda? Hindi ba pwedeng may kaniya kaniya silang reason kung bakit nag hiwalay, kailangan ba may nadadawit na pangalan or third party?” tanong ni Valentine.

Dagdag pa niya: “Di ba pwedeng gusto lang nila mag grow as individuals. Nasunog yung sinaing na kanin si Andrea may kasalanan? tumaas presyo ng bigas si Andrea nanaman may kasalanan? Traffic sa Edsa si Andrea ulit?”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa huli, pinagsabihan niya ang mga basher ng aktres na tumigil na at pakialaman na lang ang kani-kanilang personal na buhay.

“Tama na kayo! Hayaan mo na buhay nila yan mag papasko na pagkaabalahan niyo yung pag tayo ng Christmas tree at pag sabit ng parol kesa chismis,” saad niya.

Matatandaan kasi na bago pa man kumpirmahin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang break up sa publiko, umugong na ang balita na palihim umanong nagkikita ang aktor at si Andrea.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?