Muling nagpahayag si House Speaker Martin Romualdez ng suporta sa desisyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na muling buksan ang peace talks sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ilang oras matapos isapubliko ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang pagtutol dito.

Nito lamang Lunes, Disyembre 4, nang ipinahayag ni Duterte ang pagtaliwas ng kaniyang pananaw sa naging hakbang ni Marcos na bigyan ng amnestiya ang ilang grupo ng mga rebelde, at ipagpatuloy ang peace talks ng pamahalaan sa (NDFP).

Ilang oras naman matapos ilabas ng bise presidente ang pagtutol niya sa naturang desisyon ng pangulo, naglabas din ang House speaker ng pahayag hinggil sa usapin at sinabing ang nasabing hakbang umano patungo “reconciliation” ay isa raw testamento ng pagsisikap ng gobyerno para sa “peace” at “unity.”

VP Sara kay PBBM: ‘Hindi ang pagbibigay ng amnestiya ang daan sa kapayapaan’

“President Marcos’s initiative is a bold move towards healing and unity, reflecting our dedication to resolving longstanding conflicts through dialogue and understanding. In this pursuit, we must all come together—government, civil society, and every Filipino—to support this peace process. It is through our collective efforts and unwavering commitment to peace that we can overcome the barriers of the past and build a stronger, more united Philippines,” pahayag ni Romualdez.

“Bakit tayo matatakot makipag-usap kung alam nating malakas ang ating Sandatahang Lakas at matatag ang ating Republika? Ano ang ikababahala natin kung alam natin na nasa pamahalaan ang tiwala ng bayan?,” giit pa niya, habang walang pinangangalanan.

Samantala, binigyang-diin din ng House leader na pagod na umano ang mga mamamayan sa kaguluhan, kaya’t mahalaga raw ang naturang negosasyon para sa kapayapaan ng bansa.

“This negotiation is more than just a political maneuver; it is a moral imperative, a chance to mend the fissures that have long divided our nation. We are not just negotiating terms; we are weaving the fabric of a peaceful future for every Filipino,” ani Romualdez.

“Let us embrace this opportunity with open hearts and minds, fostering an environment where peace can flourish. Together, under President Marcos’s leadership, we shall strive towards a Philippines that is not only prosperous but also harmonious and united in its diversity.”

“Tama na ang digmaan. Pagod na ang ating mamamayan sa kaguluhan. Bigyan natin ng pagkakataon ang kapayapaan,” saad pa niya.