Nakakaloka ang reaksiyon at komento ng netizens patungkol sa balitang plano raw maglabas ng joint statement ang showbiz couple na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara kaugnay ng pang-iintriga sa kanilang relasyon.

Kasama ang pangalan ng dalawa sa listahan ng mga pangalan ng showbiz couple na napababalitang hiwalay na.

Lalo pang naglatang ang tsika nang dahil sa cryptic posts ni Kyline at sa ina ni Mavy na si Carmina Villaroel.

Pinagtatagni-tagni kasi ng mga netizen ang kani-kanilang mga post, lalo na ang tungkol sa pagiging "quiet" at "peace."

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Bago pa kumalat ang tsika tungkol dito, matatandaan ding sinabi ng kambal ni Mavy na si Cassy Legaspi na civil lang sila ni Kyline.

At nang bumoga nga ang isyung Mavy-Kyline breakup ay mega post naman si Mina ng sweet message niya para sa dalawang anak.

"Dear Mavy and Cassy," ani Carmina.

"People can destroy your image, damage your personality, create rumours about you but they can never take away your good deeds."

"Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best."

Sa isa pang X post, ibinahagi naman ni Mina ang isang art card na may mababasang "Mom knows best."

Pagkatapos, si Kyline naman ay may post sa kaniyang IG story na ang mababasa ay " i was taught that keeping quiet kept the peace. Until I realized, [whose] peace is it keeping."

Samantala, si Carmina naman ay nag-post ng isang art card sa kaniyang X account na may mababasang "Protect your peace."

Anyway, ayon naman sa lumabas na artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP kamakailan, mukhang maglalabas naman daw ng joint statement sina Mavy at Kyline tungkol sa breakup rumors.

Biro-biro ng mga netizen, hindi pa nga raw sila nakaka-move on sa kumpirmasyon ng hiwalayang KathNiel na talaga namang pinag-uusapan at tila naging national concern pa, heto naman ngayon sina Mavy at Kyline.

Pero may mga nagsabing huwag na lang daw at wala naman daw silang pakialam.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komentong mababasa sa comment section ng mismong ulat ng Balita.

"Hndi kami interesado"

"Sino ba sila?"

"Tumabi tabi po muna.. may pila po oh. Di pa tapos ang Kathniel issue.. wag sumasabay ok? Tabi po muna dun sa sulok.."

"May pa-joint statement pang nalalaman hahaha tabi muna nagluluksa pa kami sa KathNiel"

"Nakiasabay din Sa Kathniel gusto Rin mapagusapan 😆 wala naman kami pake Sa Kathniel kami nakafucos 😆"

"Luh gusto rin mapag-usapan hahahaha."

"Eh ano naman kung hiwalay na?"

"Kahit wag na"

"Next topic please"

Maging ang kilalang social media personality na si "Senyora" ay napakomento rin dito.

"Wag na," aniya.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang kampo nina Mavy at Kyline tungkol dito. Hindi pa rin sila naglalabas ng kanilang joint statement.

MAKI-BALITA: Mavy at Kyline may pa-joint statement tungkol sa isyu ng hiwalayan?

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, hinuhulaang hiwalay na rin