Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng mukbang collab sina Kapamilya star Ivana Alawi at Kapuso star Bea Alonzo, sa vlog ng una.

Habang lumalantak ng king crab ay nagbato ng mga tanong sa kanila ang kapatid ni Ivana na si Mona Alawi.

Isa sa mga natanong sa kanila ay kung anong masasabi nila sa "cheaters" o mga manloloko sa isang relasyon.

"What can you guys say sa mga cheater?" tanong ni Mona.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

"Mga manloloko?" tanong ni Ivana.

"Mga manloloko... tigilan na nila 'yan. It's so... 2020, charot! 2019 pala. Charot! Doon tayo sa mabait," saad naman ni Bea.

"Ako, wala kayong mapapala," ani Ivana. "Parang you're never gonna be happy in life."

"'Pag nananakit ka ng tao, mabigat ang buhay mo, kasi may niloko ka, may ginawan ka nang masama."

Sundot na tanong ni Ivana ay kung naniniwala siya sa karma.

"I do," sey ni Bea. "Actually I've had my karmas kasi hindi naman ako laging mabuti 'di ba? Kapag kinakarma ako, tinatanggap ko 'yon. Kaya ka natututo na huwag na next time."

Matatandaang bago maging masaya sa kaniyang fiance na si Dominic Roque ay naging kontrobersyal ang paghihiwalay nila ni Kapamilya star Gerald Anderson.

Nadawit dito ang kasalukuyang girlfriend ni Gerald na si Julia Barretto.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa napabalitang in good terms na ang tatlo.