Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na isang magnitude 5.2 na lindol ang muling nagpayanig sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Lunes ng hapon, Disyembre 4.

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang naturang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:08 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 17 kilometro.

Naiulat ang Intensity IV sa Hinatuan, SURIGAO DEL SUR, habang Intensity III sa City of Tandag, SURIGAO DEL SUR.

5.7-magnitude na lindol, muling nagpayanig sa Surigao del Sur

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang nauna nang inihayag ng Phivolcs ang pagyanig ng magnitude 5.7 ang Cagwait, Surigao del Sur dakong 10:38 ng umaga nitong Lunes.

Bukod dito, matatandaang nitong Lunes, dakong 3:49 ng madaling araw, nang yamanig ang magnitude 6.8 sa bayan din ng Cagwait.

https://balita.net.ph/2023/12/04/surigao-del-sur-niyanig-ng-magnitude-6-8-na-lindol/