Matapos ang pinag-usapang kumpirmasyon ng hiwalayan, muling binalikan ng mga netizen ang naging sagot, reaksiyon, at galaw ng katawan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla nang matanong sila tungkol sa "loyalty."

Makahulugang mga sagot ang binitiwan ng dalawa sa tanong na kung ano sa kanila ang ibig sabihin ng “loyalty”, sa naganap na &t=304s">finale press conference ng kanilang teleseryeng “2 Good 2 Be True” o 2B2T noong Oktubre 2022.

“Loyalty for me is being contented,” sagot ni Kathryn.

“Because if you are contented, you will not look for… anymore person.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kapag daw kuntento ka sa isang bagay o tao, doon na makikita ang loyalty. Kapansin-pansin naman ang tila pagpipigil na mapaluha ni Kathryn.

Bago magbigay ng kaniyang sagot ay matagal na nag-isip si Daniel. Sagot ni DJ, ang nakikita raw niya ang depinisyon ng loyalty sa kaniyang alagang aso.

"Alam mo kung sino pinaka-loyal? 'Yong aso ko si Summer. Iyan ang pinakaloyal, doon ko makikita 'yong definition ng loyalty."

“Kahit anuman ang pinagdaraanan ko ngayon, kung anuman ang sitwasyon o emosyon ko sa ngayon,kung sino ako ngayon, tatanggapin niya nang buong-buo… iyon ang loyalty,” ani Daniel. “Walang judgment…”

Kitang-kita ang makahulugang tinginan at facial expression sa mukha ng dalawa. Tinapik-tapik pa ni Kathryn ang kamay ni DJ at kapansin-pansin ang tila pagpikit-pikit nang mariin ni Kath.

Ngayon daw, tila napagtatagni-tagni na raw ng mga netizen ang lahat, at tila nais nilang paniwalaan ngayon ang mga kumakalat na tsikang matagal na talagang hiwalay ang KathNiel, at kaya lamang nakikitang magkasama at sweet sa isa't isa sa mga nagdaang araw ay dahil sa "contractual obligations" na kailangan nilang tupdin.

"Her body language says it all. Her effort to stop herself from crying is so evident that tagos ang sakit."

"grabe, napainom ng tubig si kathryn, namula ang mata, pigil ang iyak."

"You cannot script body language but you can script your words. Script meaning hiding the truth. The body language of Daniel speaks so loud. Hindi na sila ni Kathryn."

"Dito pa lang, dapat alam na natin eh. Yung expressions ni Kath, pigil na pigil umiyak eh. Okay lang yan kath. You deserve someone better. Someone who is faithful to you."

Matatandaang matapos ang nabanggit na mediacon, nagsimulang magtanong ang KathNiel fans kung okay pa ba ang dalawa.

MAKI-BALITA: Sagot tungkol sa ‘loyalty’, palaisipan sa fans, netizens; KathNiel, may pinagdaraanan?

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang dalawa tungkol dito.