Walang nanalo sa mahigit ₱215.7 milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 draw nitong Linggo ng gabi.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 12-27-35-09-31-42.

Inaasahang lolobo pa ang jackpot sa susunod na draw nito.

Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Sa draw naman ng Ultra Lotto 6/58, wala ring nanalo sa jackpot na ₱188,158,003.80.

Ang 6-digit winning combination nito ay 03-11-36-16-44-49.