Marami ang napapatanong ngayon kung "what's next" na kay Kapamilya star Kathryn Bernardo ngayong officially, "wasak" na ang KathNiel bilang tambalan, sa reel at real life.

Sabi nga ng mga usap-usapan sa social media, kung sino man daw ang magiging bagong jowa ng ex-boyfriend na si Daniel Padilla, aba'y parang "big shoes to fill" dahil sa taas ng standard---baka Kathryn iyan eh!

Napatunayan na ni Kathryn na kaya na niyang umalis sa anino ng loveteam nila ni Daniel matapos ang tagumpay ng pelikulang "Hello, Love, Goodbye" na may hawak ng korona bilang highest-grossing Filipino movie of all time, na tambalan nila ni Kapuso star Alden Richards.

At dahil technically ay single na nga si Kathryn ay buwag na ang KathNiel, marami na tuloy ang humihirit na fans ng dalawa na baka puwede na ulit gawin ang sequel ng pelikula.

National

Magnitude 4.0 na lindol, tumama sa Surigao del Norte

Baka puwede na raw ituloy ang pag-iibigan nina Joy Marie Fabregas at Ethan Del Rosario sa "Hello, Love, Goodbye" part 2.

Sey pa ng mga netizen, since wala namang napababalitang karelasyon si Alden, baka raw sila talaga ang nakatadhana sa isa't isa?

Lalo pa't nauna nang nabuwag ang tambalan nila ni Maine Mendoza na "AlDub," pero ang kinaiba nga lang, hindi naging mag-jowa in real life sina Alden at Maine; ngayon nga ay Mrs. Arjo Atayde na si Menggay.

Narito ang ilan sa mga panawagan ng netizens sa ABS-CBN at GMA:

"Baka panahon na para gawin ang HLG part 2? ABS, GMA galaw-galaw na."

"KathDen talaga 'yan hahaha."

"In fairness bagay naman sila kung sakali..."

"Tutal uso na ang collab at wala na network war, baka puwede mag-experiment ang ABS and GMA na unang team up na nasa kani-kanilang estasyon, bongga 'di ba."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon at pahayag sina Kathryn, Alden, at kani-kanilang networks tungkol dito.