Ngayong buwag na ang "KathNiel," pinag-iisipan ng mga netizen kung sino ang susunod na puwedeng itambal kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo sa pelikula man o teleserye.

Una sa listahan si Kapuso star Alden Richards matapos pumatok ang kanilang team-up sa pelikulang "Hello, Love, Goodbye" noong 2019 na itinuturing na "highest-grossing Filipino movie of all time."

MAKI-BALITA: Kathryn shini-ship na kay Alden: ‘Baka sila talaga!’

Sumunod naman, sa isang Facebook page ay makikita ang larawan nina Kathryn at Kapamilya actor na si Seth Fedelin.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"SETH and KATH! KaSeth ❤️💦," mababasa sa caption ng "Naga Smells to the World" FB page.

Si Seth ay katambal ni Francine Diaz at kilala ang tambalan nila bilang "FranSeth."

Pero bago mapunta kay Francine, ang unang katambal ni Seth ay si Andrea Brillantes, na nali-link naman ngayon kay Daniel Padilla, ang ex-boyfriend ni Kath.

Sey ng mga netizen, tila pareho kasi ng image sina Daniel at Seth pagdating sa datingan.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Hahaha parang ang bagets ni Seth for Kath pero let's see 'di ba, ganiyan din noon kina Kathryn and Alden."

"SeKath na lang kasi sisikat sila nang husto"

"Paano na si Chin? FranSeth pa rin!"

"Si Deej ang nakikita ko kay Seth talaga, hindi sila magkamukha pero may similarities sa dating..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Kathryn at Seth tungkol dito.