Maraming nagsasabing ang nangyaring hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel ay maihahalintulad daw sa epekto ng paghihiwalay ng naging reel at real couple na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noong 80s.

Ang kinaiba lang daw, naikasal sina Sharon at Gabby at nagkaroon ng anak na si KC Concepcion.

Ang lamang naman sa KathNiel, talagang pinag-usapan ito nang bonggang-bongga dahil sa malaganap na paggamit ng social media; sa social media rin kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay, hindi kagaya noon na sa mga peryodiko o palabas sa telebisyon unang malalaman ang mga ganitong tsika.

Anyway, isa nga sa mga celebrity na naapektuhan sa hiwalayan ay mismong si Mega.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Tila nanumbalik daw sa kaniya ang nakalipas dahil sa nangyari sa KathNiel.

Naglapag siya ng komento sa comment section ng pinag-usapang post ni Kathryn.

"Reading this brought me back to 'that time' in my life. Actually, 'those times,' because I had to endure my personal pain and face public scrutiny for more than once, and I am not even sure if I will ever have to go through all that again…"

"I am crying for you because I too have loved as much as you both did. I am hugging you tight and praying for you, Deej, and the Kathniel fandom…

"I am so proud of how you have handled this whole situation with this one post. That’s our girl. I love you. This too, shall pass…❤️❤️❤️," ani Sharon.

Photo courtesy: Kathryn Bernardo (IG)

Sa kaniyang sariling Instagram post ay nirepost ni Mega ang pinag-usapang IG post ni Kath.

"I have taken the liberty of reposting @bernardokath ‘s post because all we can - and SHOULD do is to pray for her and Daniel. Madami talagang NAGHIWALAY o NAGHIHIWALAY na pala na hindi naman natin alam o naiintindihan, o baka ayaw intindihin…"

"Ang nakikita lang natin lahat ay pictures at mga palabas naming mga artista sa tv at pelikula, pero di natin alam ang nagaganap pag silang dalawa na lang ang magkaharap… please, let us not take sides like Kath has requested."

"Be kind to those who are hurting and pray for them instead of judging and making up stories in our heads. Be strong too, Kathniel fans. If you truly love them, you must love them even if they are now apart…"

"God bless you, my girl Kath, and you too, DJ. Only you two know what is best for you and everyone else should respect that and not make it their business. I love you both. ❤️🙏🏻 Repost from @bernardokath."

Sa isa pang Instagram post, ibinida ni Sharon ang screenshot ng inilapag na komento niya sa IG post ni Kathryn.

"Left this comment on Kath’s post. Let us all give her and DJ our prayers and love.❤️🙏🏻 @bernardokath @supremo_dp Napakagandang paghihiwalay - kapwa may respeto at [pagpapahalaga] ng eleven years nilang pagsasama. Sana lahat ganon."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Haysss… buti na lang wala pa ko nung 80’s baka kung naabutan ko baka saksak puso den ako 😭. Dami kaseng palaka eh 🐸. Wala talagang permanente sa mundo."

"Basta sa shagab masaya mahapdi masakit pero masaya more amd always choose masaya more😍."

"Pero unbeatable pa rin ang shagab akalain mo un after 42 years reconnected and soldout concerts."

"I feel sad to kath and Daniel 😢💔Buti nlng masaya ang pusot kaluluwa koh dahil through da years di matitinag ang da original love team SHAGAB forever 💯💜."

"Ahhh Basta basta lang… ShaGab pa rin me 💕💕💕. But ofcors i shall pray for Kathniel as well as their followers 🙏🏻"