Muling binuksan ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ang usapan tungkol sa kaniyang naranasang miscarriage

Sa latest episode kasi ng Iskovery Night kamakailan, itinanong ni “Eat Bulaga” host Isko Moreno kay Alex kung ano raw ang natutunan niyang lesson sa yugtong iyon ng kaniyang buhay.

 “Lesson learned ko po dito talaga, kunwari may kilala kayong nag-miscarry, ‘wag n’yo pong sisisihin, ‘wag n’yong hanapan ng mistake,” pahayag ni Alex.

“Di ba kasi usually, lalo na ‘yung mga boomers, like ‘yung mga magulang ko, sa generation nila parang sanay silang iniisipan na nila ng ‘Baka kasi ganito ginawa mo’. Pero ako, ang gusto kong iparating sa lahat, ‘pag po nakunan ang isang babae hindi niya po ‘yun kasalanan,” aniya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Dagdag pa ni Alex, kahit pa umano matulog o humiga lang ang isang babaeng buntis, kung hindi talaga matutuloy, hindi raw talaga ‘yun matutuloy.

“‘Wag n’yo pong ibigay sa babae ‘yung burden,” saad pa niya.

Matatandaang kamakailan lang ay isiniwalat ni Alex noong Nobyembre sa “Toni Talks” na muli raw siyang nagbuntis pero nakunan.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, muling nakunan

Samantala, 2021 naman nang mangyari ang kauna-unahan niyang miscarriage.

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa pagbub