Parehong nominado bilang "Most Outstanding Social Media Personality" para sa 6th Gawad Lasallianeta sina ABS-CBN at Star Magic stars Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes.

Makikita ang pag-congratulate sa kanila ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na humahawak ng kanilang karera.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Bukod sa kanilang dalawa, nominado rin sa nabanggit na kategorya ang kapwa Kapamilya stars na sina Belle Mariano at Joshua Garcia.

Nominado rin si Kathryn sa iba pang awards gaya ng "Most Outstanding Film Actress" para sa kaniyang pelikulang "A Very Good Girl," "Most Outstanding Brand Endorser," "Most Outstanding X Influencer," at "Most Influential Filipino Celebrity."

Si Blythe naman ay nominado rin sa ibang kategorya gaya ng "Most Outstanding TikTok Content Creator."

Si Daniel Padilla naman ay nominado bilang "Most Influential Filipino Celebrity."

Samantala, bukod sa nabanggit na award-giving body ay parehong nominado bilang "Actress of the Year" sina Kath at Blythe sa 9th RAWR Award.