Pinabulaanan ni TV host-actress Karla Estrada ang kumakalat niyang pahayag tungkol sa kaniyang anak na si Daniel Padilla.

Sa Instagram post ni Karla nitong Sabado, Disyembre 2, makikita ang isang art card kung saan tampok ang kaniyang mukha na may kalakip na teksto.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

View this post on Instagram

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

“Hindi cheater ang anak ko! My son is not perfect, but he’s learning and growing. People make mistakes, and it’s crucial to understand the context and the effort he’s putting into becoming a better person,” saad sa art card.

Para pabulaanan ang nasabing pahayag, naglagay din si Karla ng mga teksto sa kumakalat na art card.

“Fake po ito. Wala akong ganitong post at hindi ako gumawa ng ganitong post,”  sabi niya.

Dagdag pa niya: “Amin na pong iniisa-isa ang mga accounts ng mga mapanirang tao na gumagawa ng mga ganito.”

Matatandaan kasing kinumpirma na ni Daniel at ng jowa nitong si Kathryn Bernardo ang bali-balitang hiwalay na umano sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Wala namang binanggit pang ibang detalye ang ex-celebrity couple tungkol sa naging dahilan ng kanilang hiwalayan kaya tila hindi maiwasan ng madla na magtahi ng sari-sarili nilang ispekulasyon at naratibo.