May mensahe si award-winning actor John Arcilla sa mga fan nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa Facebook post ni Arcilla nitong Linggo, Disyembre 3, sinabi niya na ipanalangin na lang umano ang kasiyahan ng dalawang ex-celebrity couple dahil maging siya man ay apektado rin sa nangyaring hiwalayan.

“Lets pray na lang for the happiness of the two. Normal atang maapektohan tayo lalo na’t kasama natin sa trabaho. PERO BAKIT NGA BA TAYO APEKTADONG LAHAT? Siguro dahil lahat ay gusto ng FOREVER. Uma-asa tayo, nag wi-WISH, nagdadasal na we want to grow old with someone at ngayon na natapos ang isang relasyong HINAHANGAAN mo at ginawang batayan ng IDEAL na PAGSASAMA, suddenly we feel conscious about our own, or what our wishes to have,” saad ni Arcilla.

Dagdag pa ng aktor: “May FOREVER nga ba? Kailangan ko na bang mag alala? We start to question our own trust to our current status. In all honesty I also got bothered. Akala ko tatangapin ko lang na isang ordinaryong BREAK UP. PERO HINDI PALA. Siguro dahil BUKOD sa ang mga “batang” ito ay kasama ko sa industria, kaibigan ko ang magulang ng isa sa kanila at sobrang hanga ako sa talent nilang dalawa, ay saksi din ako kung gaano sila kamahal ng kanilang MILYUNAN na fans.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ibinahagi rin ng aktor ang tungkol sa sumalang na contestant two weeks ago sa kaniyang game show na fan umano ng KathNiel.

“Kamil was very confident and convinced that their IDOL LOVETEAM is the GREATEST LOVE TEAM ever at walang makakatalo sa kanila,” kuwento ni Arcilla.

Pagpapatuloy pa niya: “After awhile nanalo sa game ang KATHNIEL fan…And then, THIS NEWS. Naapektohan siguro ako hindi lang para sa dalawa kundi para sa mga fans din. Yung isang anak ng kaibigan ko parang nagluluksa. Pati yung nanay sobrang affected sa dinaramdam ng anak niya.”

Totoong nakakalungkot umano ang nangyaring hiwalayan sa pagitan nina Kathryn at Daniel ayon kay Arcilla. 

Pero, sabi niya, “malay natin may ‘its sweeter the second time around’ or kung masyado pang maaga ang wish na ito or imposible man, let us pray for our own relationships or for the other’s”.

Samantala, magsasama naman sina Arcilla at Daniel sa isang upcoming psychological suspense thriller movie na pinamagatang “The Guest”.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn