Nagbigay ng pahayag ang ABS-CBN management at Star Magic kaugnay sa nangyaring hiwalayan nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Matatandaang kinumpirma na ng dalawa ang umuugong na balitang hiwalay na umano sila sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account bagama’t hindi na nagbigay pa ng ibang tungkol sa naging dahilan nito.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa Facebook post ng Star Magic nitong Sabado, Disyembre 2, sinabi nilang nirerespeto umano nila ang desisyon nina Kathryn at Daniel na maghiwalay.

“Nirerespeto at nauunawaan ng ABS-CBN management at Star Magic ang naging desisyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na maghiwalay,” anila.

Umapela rin sila sa publiko huwag nang dagdagan o bigyan pa ng ibang kahulugan ang mga naging pahayag nila.

“Igalang natin ang mga pahayag nila at huwag na nating dagdagan, bigyan ng ibang kahulugan, o gawan ng kwento at fake news. Wala sa kanila ang nagbigay ng interview o bagong statement dahil nasabi na nila ang kanilang saloobin sa kanilang social media account,” saad ng network at management.

Dagdag pa nila: “Hiling namin na galangin ang bawat isa sa kanila para makatulong sa kanilang paghilom at pag-move on.

"Sa huli, sinabi nila na mananatili umano ang kanilang taos-pusong suporta at pagmamahal para kina Kathryn at Daniel.