Inilabas na ng ABS-CBN ang official music video ng kanilang Christmas Station ID 2023 sa YouTube nitong Biyernes, Disyembre 1.

“Saan mang sulok ng daigdig, ang mga kwento ng ating pag-ibig at pagsasama ang mananaig,” saad sa caption ng nasabing video.

“Pasko Ang Pinakamagandang Kuwento” ang pamagat ng CSID ng ABS-CBN ngayong taon.

Ayon sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News sa head ng ABS-CBN Creative Communications Management na si Robert Labayen, nakaugat umano ang nasabing kanta sa “gratitude”.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

“We want to thank all the people who are with us kahit ang daming pinagdaanan. Audience, partners, our stars, talents, dito kayo. And of course, every Filipino who supports us,” aniya.

Samantala, tila nakakapanibagong tagpo naman para sa KathNiel fans na makitang hindi magkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa music video hindi katulad noong mga nakaraang CSID ng ABS-CBN.

Sa Facebook post ng Kapamilya Online World, makikita sa comment section ang reaksiyon ng mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Very sadddd”

“magbabalikan din yan”

“Tama naaaaaa!!!!!! Masakit na sobraaaaa”

“Dpa aq lubos na nkka move on sa jadine eto na nman”

“Malungkot sila 🥹”

“Wla n tlga,💔..lungkot din ng mukha nila”

“Mostly sa eyes ni dj Makikita talaga ang lungkot na nararamdaman nya. Parating lungkot ang mga mata.. 😞”

“Ang sakit 😭💔”

“tama na pleassseee💔💔😭😭”

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma na nina Daniel at Kathryn ang totoong estado ng kanilang relasyon sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn