Matapos makaladkad ang pangalan ng Kapuso actor na si Kelvin Miranda sa "pa-booking na lalaking artista" blind item ng direktor na si Darryl Yap, ang sunod na hinulaan ng mga netizen ay kung sino ang international singer na siyang nambooking daw ng dalawang gabi sa isang hotel.

Take note, ₱1M ang presyuhan ni lalaking artista kaya naka-₱2M din siya ha!

Hindi naman tayo sure kung ano talagang ginawa nila, sey nga ni Direk Darryl, baka nagkantahan lang sila ng "Unholy."

At dahil diyan, nagkaroon ng espekulasyong ang singer na si Sam Smith ang tinutukoy sa blind item.

Pamagat kasi ng kanta ni Sam ang "Unholy." Kasama niya rito si Kim Petras.

Isa pa, noong Oktubre lang ay nagkaroon ng concert ang singer sa SM Mall of Asia (MOA) Arena.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Ay 'Unholy' lams na kung sino hahaha."

"Itago ba natin sa initials na SS as in screenshots hahaha."

"...ang singer si SAM SMITH ang lalaki ayon sa mga MARITES ayan nag-deny na kaya back to zero ang clue sa lalaki."

"SS and DE dw? HAHAHAHAHA."

"Hahaha there's something about the word unholy eh isang singer lang naman ang may ganiyang kanta haha."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Darryl o maging si Sam Smith tungkol dito.

MAKI-BALITA: Kelvin Miranda, nag-react daw sa ‘pa-booking blind item’ ni Darryl Yap

MAKI-BALITA: Darry Yap flinex usapan nila ni Kelvin Miranda tungkol sa blind item