
(Manila Bulletin File Photo)
Halos ₱180M jackpot sa Ultra Lotto draw, walang tumama
Hindi napanalunan ang halos ₱180 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi.
Ipinaliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 03-09-44-21-34-26 kaya't walang nakapag-uwi sa premyong aabot sa ₱179,526,061.80.
Wala ring nakahula sa 6 digits winning combination na 25-44-23-24-39-38 sa isinagawang Mega Lotto 6/45 draw nitong Disyembre 1.
Isang mananaya ang nanalo ng ₱77 milyon sa isinagawang bola ng Ultra Lotto nitong Setyembre, ayon pa sa PCSO.