Nagsagawa ng flu vaccination drive ang Las Piñas City government sa mga senior citizen sa kanilang nasasakupan.

Sa isang social media post, pinangunahan ng City Health Office ang flu vaccination campaign sa isang shopping mall sa lungsod kung saan nasa 787 ang naging benepisyaryo nito.

Idinahilan ng pamahalaang lungsod, pinoprotektahan lamang nila ang kanilang mamamayan, lalo na ang mga matatanda na kabilang sa vulnerable populations sa komunidad.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Binigyang-diin pa ng city government na isa ito sa preemptive action sa panahon ng flu season at sumasalamin sa pangako ng lungsod na pangalagaan ang kalusugan ng mga residente.