Guest celebrity ng isang grupong grand finalist sa segment na "It's Showdown" ang komedyanteng si Awra Briguela nitong Sabado, Disyembre 2 sa noontime show na "It's Showtime."

Aliw ang hirit sa kaniya ng kaniyang talent manager at ina-inahan sa showbiz na si Unkabogable Star Vice Ganda nang dumako na sila sa "interview" portion matapos ang performance ng grupo.

Inusisa kasi ni Vhong Navarro ang lider ng grupo kung paano ang ginawa nilang adjustments para maturuan ng choreography si Awra, dahil hindi ito hip-hop.

Sundot ni Vice Ganda, "Nagkita-kita sila sa selda..."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Makikita namang napangiti na lamang si Awra at napatawa na lamang ang madlang people sa studio.

"Kosa, kosa ko 'to," segunda naman ni Vhong.

"Oo tapos doon sila nagturuan..."

Matatandaang nasangkot si Awra sa isang gulo sa isang bar sa Poblacion, Makati at nakulong.

Nakapagpiyansa ito at nagsampa ng kontra-demanda sa lalaking nakaalitan at naunang nagsampa ng kaso laban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Awra nagsampa ng kontra-demanda laban sa nakaalitan sa bar

MAKI-BALITA: Awra Briguela nadagdagan ng mga bagong kaso

MAKI-BALITA: Vice Ganda nagsalita sa tsikang binitiwan na niya si Awra Briguela