Nakalkal at binalikan ng mga netizen ang video ng panayam ni Asia's King of Talk Boy Abunda sa kontrobersyal na Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa programang "Tonight with Boy Abunda" ng ABS-CBN noong 2019.

Dito kasi ay sinabi ni Andrea na ipinagdarasal niyang sana ay magkaroon siya sa buhay ng isang mala-Daniel Padilla, dahil fan girl siya ng tambalang KathNiel.

"Pinagdasal mo talaga na magkaroon ka ng isang Daniel Padilla sa buhay mo?" tanong ni Boy.

Makikitang tila napangiti sa kilig si Andrea habang naghihiyawan naman ang ilang mga tao sa studio.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

"Opo, dati mga 2 years ago, consistent po ako magdasal no'n. Pero hindi po talaga like mismong Daniel Padilla, ipinagdarasal ko lang... kasi marami na po pinartner sa akin, tapos bilang fan ng KathNiel, gusto ko 'yong may marating ako na may kasama rin ako, parang may pagka-Daniel Padilla talaga."

"Sabi ko 'Lord hindi naman kailangang maging katulad niya, pero 'yong makakatulong na magdala sa akin, magtutulungan kaming dalawa, 'yong as in strong na bond."

Nakakaladkad ang pangalan ni Andrea dahil sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel na kinumpirma na nga nilang dalawa noong Nobyembre 30, 2023.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, inunfollow si Andrea Brillantes sa IG?