Nakiisa ang pamahalaan sa paggunita ng World AIDS Day nitong Biyernes, Disyembre 1, ayon sa Malacañang.

Paliwanag ng Presidential Communications Office (PCO), bahagi ito ng pagpupursigi ng gobyerno na ipalaganap ang kaalaman tungkol sa Human Immunodeficiency virus/Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS).

Nilinaw ng PCO, patuloy pa ring gumagawa ng hakbang ang pamahalaan, katulad ng kampanyang "Let Communities Lead: Sama-sama tayo sa laban kontra HIV” at pagsasagawa ng National HIV Treatment Hub Conference, upang mabawasan ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa at masuportahan na rin ang mga apektado ng sakit.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Sa datos ng HIV/AIDS Registry of the Philippines na inilabas noong Disyembre 2022, aabot sa 14,970 bagong kaso ng sakit ang naitala sa pagitan ng Enero at Disyembre 2022.

Gayunman, sinabi ng Department of Health (DOH), mas mataas ang nasabing kaso kumpara sa 12,339 na naitala noong 2021.