"That's hot. ✨"
Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang larawan ng malalaking “waves” na nabuo umano sa Red Spider nebula tinatayang 3000 light-years ang layo mula sa constellation ng Sagittarius.
Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na ang two-lobed planetary nebula ang tahanan ng isa sa pinakamaiinit na bituin.
“This two-lobed planetary nebula is the home of one of the hottest stars known and its powerful stellar winds generate waves 62.4 billion miles (100 billion km) high,” anang NASA sa nasabing post.
“The waves are caused by supersonic shocks, formed when the local gas is compressed and heated in front of the rapidly expanding lobes.”
“The atoms caught in the shock emit the spectacular radiation seen in this image,” saad pa nito.
Matatandaang kamakailan lamang ay nagbahagi rin ang NASA ng larawan ng isang unique galaxy na tinatawag umanong “Evil Eye.”