Inamin ni beauty queen-actress Kylie Verzosa na kasalukuyan umano siyang in a relationship.

Sa eksklusibong panayam kasi ng ABS-CBN News noong Lunes, Nobyembre 27, kung kailan ginanap ang pagdiriwang ng 25th anniversary ng fashion designer na si Francis Libiran, ibinahagi ni Kylie ang tungkol dito.

“Kumusta naman ang puso? Are you dating anybody?” usisa ni Gretchen Fullido.

“Yeah, I’m dating someone,” natatawang sagot ni Kylie, “non-showbiz.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Dagdag pa ni Kylie, sobrang saya raw niya sa kasalukuyang karelasyon.

Sinubukan pang magtanong ni Gretchen tungkol dito pero bigo siyang matukoy ang pangalan ng lalaki.

“Honestly, I want to keep it private this time. It's a private relationship. And it is really, really peaceful," ani Kylie.

Tanong pa ni Gretchen: “Is he Filipino?”

Tumawa muna si Kylie bago umiling at sumagot: “No, not Filipino.”

Hindi pa rin sigurado kung kailan niya ipakikilala sa publiko ang kaniyang non-showbiz boyfriend. Nang tanunging kasi siya kung kailan ang soft launch, ang sabi niya lang: "Siguro when I would want to show it. But for now, I am so happy."

Matatandaang si Jake Cuenca ang huling nakarelasyon ni Kylie sa loob ng 3 taon bago kumpirmahin nito ang kanilang hiwalayan noong 2022.

MAKI-BALITA: Jake Cuenca, kinumpirma ang pagtatapos ng kanilang 3 taong relasyon ni Kylie Verzosa