Trending si Kapamilya actress Gillian Vicencio matapos kumpirmahin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang umuugong na balitang hiwalay na sila.

MAKI-BALITA: Kathryn, Daniel, hiwalay na

MAKI-BALITA: Daniel, kinumpirmang hiwalay na sila ni Kathryn

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Tila si Gillian daw kasi ang itinuturong dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Kathryn at Daniel.

Sa Instagram account ni Gillian, makikitang kinukuyog siya ng mga KathNiel fans sa comment section ng kaniyang mga post. Narito ang ilan sa mga pahayag.

“Goodluck girl. Di ka pa nga nagiging successful sa career mo, wala ka pang naipagmamalaki, palubog ka na. You’re going down. And you will never rise up again. Karma will eat you alive, that’s what you deserve for being immoral. 🔥✨”

“hala dai ikaw pala ang reason y kathniel separated”

“KABAGO BAGO MO PALANG NAGING ARTISTA, NAGSIMULA KA PA KUMALAT NOH!!!! YANG BITUIN MO, MAWAWALA NA NA PARANG BULA!!!”

“Sarap bah si deej? Yummy ? Inggit nainggit Kay kath no? Kaya pilit inagaw partner , nilandi .. hahah”

“Tangina mo ibalik mo ung kathniel”

“kung totoo man, bakit ka pumatol girl? 🤢”

“Inaka! Ikaw pala ang may dahilan ng hwlayang kathniel! Bwisit kang babae ka! Malandiiiii!!! Wareng tomboy tomboy, sobrang landi mu! Namo!”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang tugon, reaksiyon, o pahayag si Gillian hinggil dito.

Pero hindi ito ang unang pagkakataong nadawit si Gillian kay Daniel. 

Matatandaang noong Agosto ay nauna na niyang pinabulaanan sa ‘Marites University’ na wala umano silang “something” ng aktor.