Nakipagkulitan si TV host-actor Luis Manzano kay Kapuso star Barbie Forteza sa kaniyang latest vlog nitong Martes, Nobyembre 28.

Isa sa mga naitanong ni Luis kay Barbie ay ang tungkol sa relasyon niya kay Jak Roberto bilang jowa sa totoong buhay at kay David Licauco bilang on screen partner.

“Is it difficult for you, sabi ko nga, isa sa mga napupuna palagi, your love life and your on screen partnership, mahirap ba for you to draw that line?” usisa ni Luis.

Sagot naman ni Barbie: “Mahirap talagang maging maganda. Sabi ko talaga, guys, sandali lang tao lang din ako.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Wow! Naiinis ako sa 'yo! Nanggigigil ako sa 'yo!” pahayag naman ni Luis habang tumatawa si Barbie.

Pero on a serious note, ayon kay Barbie: “Siguro sa career ko, ‘yan ang ‘di ko inakalang ma-eencounter kong problema. Lalo na sa edad kong ‘to na 26. Pag-uusapan pa ba natin ‘yan? I like to believe na nag-mature na rin ako.”

“Tapos, parang na-oovershadow niya ‘yung achievements ko as a person, as an actress, na ‘yun naman talaga ang dahilan kaya ako pumasok sa showbiz. Na-oovershadow siya ng love life ko,” saad pa niya.

Matatandaan kasing iniintriga ng madla si Barbie kay David simula noong nabuo ang tambalan nilang “FiLay” sa teleseryeng “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network.

Bagama’t masaya si Barbie sa natatanggap na suporta ng tambalan nila ni David, ang puso niya ay mananatili pa rin umano sa jowa niyang si Jak.

Dahil dito, inuurirat din tuloy si Jak tungkol dito. Pero ayon mismo sa kaniya, wala naman umanong problema ang on screen partnership nina Barbie at David.

"Walang selos, go lang! Professional lang tayo, trabaho lang," pahayag ni Jak sa isang panayam.

Simula noon, binansagan na siyang prof ng ng “anti-selos class” kung saan hinihingan siya ng payo ng kaniyang mga kapuwa celebrity tungkol sa mga pinagseselosan nila sa kanilang mga karelasyon.

MAKI-BALITA: Barbie Forteza, nagpapasalamat sa ‘FiLay’, pero ‘BarJak’ pa rin

MAKI-BALITA: ‘Anti selos class’ ni Jak Roberto, kinaaliwan; Barbie Forteza napa-react

MAKI-BALITA: Jak Roberto ‘niluhuran’ ni Yasmien Kurdi: ‘Scholar sa JRU BS Anti-Silos’