Hinikayat ng isang senador ang publiko na ireklamo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga negosyanteng hindi susunod na suggested retail price (SRP), lalo na ngayong Kapaskuhan.
Ang panawagan ni Senator Mark Villar, chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, ay kasunod ng pag-iikot nito, sa Divisoria, Maynila upang i-monitor ang presyo ng mga noche buena product.
Kasama ng senador si Trade Secretary Alfredo Pascual at iba pang opisyal ng DTI.
"Ngayong malapit na po ang kapaskuhan, kailangan na mas mahigpit ang ating monitoring ng mga presyo ng produkto upang masigurado na magiging masaya ang Pasko ng ating kapwa Pilipino," dagdag pa ng senador.