Tama raw ‘yung source ni Ogie Diaz at totoong hiwalay na raw sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ispluk ng self-proclaimed “Pambansang Marites” na si Xian Gaza.

Nawindang ang KathNiel fans sa Facebook post ni Xian nitong Miyerkules ng gabi.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Hiwalay na ang KathNiel. Kompirmd. Good night. Sleep well,” ani Xian.

Sa comment section ng kaniyang post, sinabi niyang tama ‘yung source ni Ogie.

Matatandaan kasing itsinika ni Ogie kamakailan na nagkikita umano nang palihim sina Daniel at Andrea Brillantes ayon sa kaniyang source.

MAKI–BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

“Waiting sa official statement na kunyare sila pa at baka nagbago yung isip nila na huwag magsalita kasi ayaw nilang magsinungaling sa mga fans nila,” sey pa ni Xian.

“Kung ikaw ay isang tao na nasa tamang hulog ang pag-iisip at hindi baliw sa kanilang love team, alam mong hiwalay na talaga sila mula sa punto na hindi sila naglabas ng official statement for the last one month para sa peace of mind ng mga fans. ‘Wala na kami eh, so pa'no? Magsinungaling pa kami at saktan pa sila lalo sa huli?’ silence is the best option,” dagdag pa niya.

Biro pa ng social media personality, “Feeling ko susunod si DJ sa yapak ni Rustom at wala akong nakikitang mali doon. Ganyan na ganyan kasi yung hiwalayang Carmina Villaroel at Rustom Padilla eh.”

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang panig nina Kathryn at Daniel kung totoo ang mga bali-balitang hiwalay na sila.