Posibleng makaranas ng tagtuyot ang ilang probinsya sa bansa sa Disyembre bunsod ng El Niño.

Ito ang babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes at sinabing kabilang sa mga naturang lugar ang Batangas, Cavite at Oriental Mindoro.

Sa pagtaya ng PAGASA, makararanas naman ng dry spell ang Cordillera Administrative Region (CAR), kabilang na ang Benguet, Ifugao, Kalinga, at Apayao.

Malaki rin ang posibilidad na makaranas din ng dry spell ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Aurora at Palawan, ayon naman kay PAGASA weather forecaster Joey Figuracion.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Paliwanag ni Figuracion, ang mga lugar na nakararanas ng tagtuyot ay madalas makaranas ng below-normal rainfall sa loob ng liman magkakasunod na buwan.

"When we say way below normal, that means there's a 40 percent reduction in rainfall," dugtong pa ni Figuracion.

PNA