Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga residente malapit sa Angat River dahil sa posibilidad na magkaroon ng pagbaha dahil sa inaasahang pagpapakawala ng tubig ng Angat Dam at Ipo Dam ngayong Huwebes.

“The water level of Angat Dam as of 8 a.m. was 212.63 meters and continuously rising due to the expected light rains caused by the current weather systems,” anang PAGASA.

“The NPC (National Power Corporation) will conduct the spilling operations at 11 a.m. today (Nov. 30) with one spillway gate [opening at] 0.5 meters [with] an initial discharge of 60 cms (cubic meters per second),” anang ahensya.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa 212.60 meters ang water level ng Angat Dam habang 100.48 metro naman ang Ipo Dam

Kabilang sa mga maaapektuhan ng inaasahang pagbaha ang mababang lugar malapit sa tabing-sapa ng Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan, Plaridel, Calumpit, Paombong, at Hagonoy.

Ellalyn De Vera-Ruiz