"It's me. Hi! I'm the new species, it's me!" πŸ“¦πŸ’Β 

Ipinakilala ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang bagong species ng pagong na naninirahan umano sa Davao.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng PEF na ang naturang bagong species ng pagong ay pinangalanan bilang Cuora philippinensis o Philippine Box Turtle.

Naninirahan umano ang Cuora philippinensis sa urban reforestation site ng PEF na ALI-Davao Carbon Forest.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

β€œWe're delighted to share that the new species described as Cuora philippinensis or Philippine Box Turtle resides in our urban reforestation site, the ALI-Davao Carbon Forest,” anang PEF sa nasabing post.

Nanawagan naman ang foundation sa publiko na mag-adopt ng seedlings na itatanim sa carbon forest kung saan nakatira ang box turtles.

β€œBy adopting seedlings to be planted at the #ADCF, you help grow the forest where this lil' critter resides,” panawagan ng PEF.