Nagbigay ng reaksiyon si Rendon Labador sa kaniyang kapuwa social media personality na si Rosmar Tan Pamulaklakin matapos nitong isiwalat ang kinikita araw-araw.

Sa Facebook story ni Rendon nitong Martes, Nobyembre 29, makikita ang screenshot ng kaniyang komento sa isang online news platform.

“Patunay na hindi talaga nabibili ng pera ang katangahan,” saad niya.

Matatandaan kasing sumalang sa “Toni Talks” si Rosmar kamakailan. Doon ay naitanong sa kaniya ni “Ultimate Multimedia Star” Toni Gonzaga kung totoo umanong kumikita siya ng ₱5 milyon kada araw bilang content creator at negosyante.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

MAKI-BALITA: Rosmar, inusisa kung magkano kinikita

Dahil dito, kinalkula ng mga netizen kung magkano raw ang dapat bayarang buwis ni Rosmar Bureau of Revenue o BIR.

Ayon sa kanilang pagsusuma, aabot daw ng ₱540 milyon ang nakatakdang bayaran ni Rosmar sa nasabing ahensya.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa namang pahayag, tugon, o reaksiyon si Rosmar hinggil dito.