Patay ang isang Grade 11 student matapos pagbabarilin umano sa loob ng paaralan sa Barangay Ginatilan, Pikit, North Cotabato nitong Miyerkules, Nobyembre 29.

Sa ulat DXMS Radyo Bida Cotabato City, nangyari ang insidente ng pamamaril nitong Miyerkules ng umaga sa loob mismo ng Datu Dalandag High School.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa inisyal na impormasyon ng pulisya, ayon sa ulat, kinilala ang biktima na si John Rey Cabuga, Grade 11 student ng naturang paaralan.

Dagdag pa, pinaghihinalaan na dalawa umano ang suspek sa pamamaril.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng PNP at 90th Infantry Battalion ng AFP sa naturang insidente.