Hinamon ni showbiz columnist Cristy Fermin si TV host-actress Karla Estrada na magharap silang tatlo ng source niya.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Now Na” nitong Martes, Nobyembre 28, ikinuwento ni Cristy na may kolumnista umanong humingi sa kaniya ng pahayag matapos pabulaanan ni Karla ang kaniya ibinalita tungkol sa hiwalayan ng mag-jowang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

MAKI-BALITA: Karla Estrada, nagsalita na tungkol sa isyung hiwalayan ng KathNiel

“Ang sabi ko sa kaniya [kolumnista], hindi na ako makikipag-argumento pa. Ang pinakamaganda dyan, magharap-harapan kami ng aking source at saka siya,” saad ni Cristy.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Kaya sa panahong ito, hinahamon ko si Karla Estrada para malaman na natin kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayong maghaharap-harap,” aniya.

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Kami pong mga manunulat…may mga unwritten rule dito po sa aming trabaho na hindi kami talaga nagda-divulge ng aming source…Pero kung kinakailangan talaga na magharap-harap kami at ipagpipilitan ni Karla Estrada na hindi siya ang nagsasabi na hiwalay na si Kathryn at si Daniel, doon kami mauuwi talaga.”

Matatandaang bago pa man ito, nagbigay na si Cristy ng pahayag tungkol sa ginawang pagtanggi ni Karla na wala umanong katotohanan ang hiwalayang KathNiel.

MAKI-BALITA: Cristy, ‘di kumbinsido kay Karla tungkol sa hiwalayan ng KathNiel

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaskiyon si Karla sa hamong ito ni Cristy.