Sinuspindi muna ng Provincial Government of Cebu ang pagbebenta ng ₱20/kilong bigas para sa mahihirap na pamilya matapos tumaas ang bilang ng mga benepisyaryo.

Ito ang kinumpirma ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia sa isang radio interview nitong Miyerkules at sinabing mahigit na sa 300,000 na ang benepisyaryo ng Sugbo Merkadong Barato Program (SMBP) mula sa dating 190,000.

Pag-aaralan muna aniya ng pamahalaang panlalawigan ang listahan ng mga benepisyaryo bago ang posibleng pagpapatuloy ng implementasyon ng programa sa susunod na linggo.

Nitong Martes, inilunsad ng Cebu provincial government ang programa sa lalawigan, katulong ang House of Representatives, upang mabigyan ng pagkakataon ang mahihirap na pamilya na makabili ng abot-kayang halaga ng bigas.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaugnay nito, pinaplano na ng provincial government na umangkat ng direkta sa iba't ibang bansa upang mapunan ang kakapusan ng produktong isinu-supply ng National Food Authority (NFA).