Tampok ang tatlong miyembro ng “D’ Gwapings” na sina Mark Anthony Fernandez, Jao Mapa, at Eric Fructuoso sa latest vlog ni showbiz columnist Ogie Diaz kamakailan.

Sa nasabing vlog ay napag-usapan ang pagsasama ni Jao at ng aktres na si Rosanna Roces sa isang pelikula.

“Gumawa rin ng sexy movie si Jao. ‘Yung ‘Matrikula’. Was that your sexiest film?” usisa ni Ogie.

“‘Yan, ‘yung nag-trunks ako doon. Alam ko, there was a beach scene na may jet ski pa nga, e. Yeah, from then on, I was mature enough para gumawa ng gano'ng roles,” sagot ni Jao.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Parang pinabilis ni Rosanna Rosas yung maturity mo, e,” natatawang sabi ni Ogie.

“Oo, ‘yun na nga,” natatawa ring sagot ng aktor.

Dagdag pa ni Jao: “Actually, it was my turning point from teenage to mature. So, yes, naging bagay.”

“Oo, kasi si Osang napaka, di ba, siya lang ‘yung sexy talaga na ano, e—”

“At marunong umakting,” agaw ni Mark sa nagsalitang si Eric.

“Tapos sinamahan mo pa ng Jao Mapa, eh di tapos na, di ba?” pagpapatuloy naman ni Eric.

Naitanong din ni Ogie kay Jao kung naging sila ba ni Rosanna. Pero mutual understanding lang umano ang mayroon sila ayon dito.

Sa kasalukuyan, may pelikula sina Eric, Jao, at Mark sa Viva na pinamagatang “Para Kang Tatay Mo”. Ang nasabing pelikula ay idinirek at isinulat ni Darryl Yap.