Flinex ng Kapamilya actor na si Richard Gutierrez ang bonding nila ng mga anak na sina Zion at Kai sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 27.

Batay sa caption ni Chard, sila ay nasa Boracay beach.

"Happiest by the water 😎. Still the best beach.. Boracay!! ☀️🌊" caption ng aktor.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Kalakip ng post ay mga larawan nila ng mga anak. Sa dami ng mga litrato, ni isa ay walang bakas na kasama nila si Sarah.

Nagkomento naman dito ang kambal ni Chard na si Raymond Gutierrez.

"Have the best time ❤️," aniya.

As expected, hinanap ng mga netizen kung nasaan si Sarah Lahbati. May mga nagsabi pang sana raw, hindi totoo ang tsismis patungkol sa hiwalayan.

"Asa si Sarah, Chard?"

"Si Zion parang kambal ng mommy niya, sobrang look alike. I hope and pray na hindi totoo ang chismis. Choose love and forgiveness, pride/ego is the enemy❤️."

"Save your marriage. Wag maniwala sa mga sulsol ng inlaws. Fight for your marriage. Gusto lang ng mga babae suyuin sila. Sayang kayo."

"Where saraaahhhh 😢"

"awwwww 😢 bakit naman wala si sarah! nakakalungkot kasi fan ako sa mga familty adventures nyo sobrang nakakainspire ung mga family photos nyo everytime na gagala kayo. hope you guys are ok! ❤️."

Pero kung titingnan naman ang Instagram ni Sarah, makikitang nag-post din siya ng mga larawan na kuha raw sa kaniya ng Kapamilya actress na si Sofia Andres.

"when your friend takes lovely photographs 🫶🏼 @iamsofiaandres," aniya sa caption.

View this post on Instagram

A post shared by SLG (@sarahlahbati)